Friday, March 11, 2005

orihinal na liriko ng kanta

Mahal Sa’yo, O Giliw Ko
(mula sa himig ng awiting “Run to you”)

oh… oh… oh…

I
Mahal, pag-ibig ko sa iyo
Ay tunay, tapat ang nasa ko
Kahit, magunaw man ang mundo
Ikaw pa rin sa buhay ko
O mahal pangako
Sa iyo lang itong puso
Pintig nito’y ukol sa iyo
Pag-ibig ko’y totoo

Koro:
O mahal sa’yo oh… oh…
O giliw ko oh, oh, oh, oh…
Sana’y ibigin mo
O mahal sa’yo oh… oh…
O giliw ko oh, oh, oh, oh, oh, oh…
Sabihin mo, mahal mo rin ako
Na ako ay iniibig mo

II
Giliw, Giliw pagsamo ko
Sana’y mapagbigyan mo
Ngunit, kung pag-ibig mo’y bulaan
Ayoko naman, ayaw kong maging hangal
Oh, oh… ano pa bang kulang?
Sa pag-ibig na alay ko
Binigay ko nang lahat sa iyo
Ngunit iniwan mo

(ulitin ang koro maliban sa huling linya)
Na ako’y iniibig mo, iniibig mo…

Tulay:
Oh… kailangan kita
Kailangan ka nang buhay kong ito
Ikaw lang ang sagot
Sa malungkot, malungkot kong mundo…

(ulitin ang koro sa mas mataas na tono)


Project po nami sa panitikan ng Pilipinas... gumawa ako ng isang awitin para sa kapwa mula sa himig ng isang kanta! At ang napili ko nga ay Run to you...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home